Archive for November, 2005

mga sapol na banat ng sugarfree

Friday, November 4th, 2005

"dahil katulad mo, ako rin ay nagbago, kay bilis kase ng buhay, pati tayo natangay…" — BURNOUT

"di ko na kayang mabuhay sa kahapon, kaya mula ngayon… nagpapaalam na sa INYO ang aking kwarto…"–KWARTO

"tulog na…hayaan na muna natin sila, mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan.." —TULOG

"sorry di kita hinabol, sorry tayo’y malabo…"                                                     —KANDILA

"hello…di na kita naiintindihan, malabo..na ba ang linya sa ating  dalawa.."         —TELEPONO                                                             

aylabyu EBE.

at kung isa ka sa mga natamaan ng mga linyang pinost ko..malamang MAHAL RIN KITA. :-)

atat

Friday, November 4th, 2005

pagkatapos kong basahin ang sandamakmak na mga blogs ng mga di/kakilalang tao…biglang akong nangating magpost kaya heto blogfest habang naghihintay idownload ang yahoo messenger sa laptop ni erpats..

sa mga nagtatanong kung:

1.anong pinagkakaabalahan ko ngayon
all together now… WORK. mobile content provider. not at all related to the stuff i studied in college. at please please wag nyo nang paexplain kung ano ba talagang ginagawa ko at bakit nababalitang inuumaga ako sa opisina dahil pramis, mahaba-habang usapan un. at kung tatanungin mo kung masaya naman ako sa ginagawa ko eh simple lang ako sagot dyan: OO.

2. kamusta ang lablayf

another popular question.sige kahit malamang alam nyo naman ang sagot db?! pero kung matagal-tagal talaga kayong walang balita sa akin at nagbabakasakali kayo, im sorry to disappoint you pero la pa rin akong boypren eh. the safe answer for this and the one that you’ll probably hear from me (except kung may amats in which case you’ll receive a slightly closer to the truth response) "eh busy eh" pero totoo naman rin ung rason na yun (see previous paragraph) this has always been the case with me. nung college schoolwork at nung hindi na pwedeng un ang excuse eh di work naman. how convenient db?! pero honestly, there’s nothing new to tell. andun pa rin ako. sa kanila. sa kanya. oo may mga bagong dumadating at minsan nasasabi ko na "shet" eto na yata ung unexpected ko pero ayun, biglang naglalaho. wala naman akong magagawa db? so sa ngayon hayaan nyo muna akong maniwala sa walang kupas na kasabihang "dadating din yan…" so yep, im definitely worse than a hopeless romantic, im a hopeful one.

3. anong balak mong gawin sa buhay mo ngayon?

naku marami. napakarami. gustong kong mag-aral ulit. definitely. sana out of the country with scholarship. wishful thinking but hey, yun talaga ang gusto kong mangyari.pero kung hindi kakayanin a couple of short courses here and there.hindi ko talaga kayang ilet-go ang academic life. siguro ganun talaga pag sobrang napamahal na sa ‘yo ang isang bagay, kahit far-fetched pipilitin mo pa rin na isama sa mga plano mo sa buhayy…

4. payat ka pa rin ba?

heheh. oo eh. pero malakas pa rin akong kumain pramis.

5. bakit ako hindi nagpaparamdam

uulitin ko. busy lang ako talaga. sana maniwala kayo at kung mahalaga kayo sa akin sana naman naiintindihan nyo na sobrang pre-occupied lang talaga ako ngayon. hayaan nyo pag medyo nakaluwag-luwag ako bibisitahin ko kayo and i promise you, it’ll be just like old times

6. anong gagawin ko sa birthday ko

naks, buti naman naalala nyo.sabi nina mama Palawan raw pero mukhang malabo pa yun.i wanna do something different this year kasi nga bente-uno na ko (yuck) so siguro get-togethers with my diff groups of friends and of course, my family. wow ha, BAGO nga!

7 . babalik ka pa bang new york

sana…sana talaga…i miss new york like hell…i miss gabby and mikhail…sigh…

8. saan ako mahahagilap kung gusto nyo ng bonding

sana wag sa text dahil honestly, sinusumpong ako ngayon ng katamaran sa pagreply. pwede rin sa YM pero medyo limited rin dun. pinaka-ok pag during weekends (sat-sun morning) kasi lagi naman akong umuuwing cavite. or kung nasa manila naman kayo sabihan nyo lang ako in advance para maipagpaliban ko ang aking pag-uwi. pdeng sa bahay lang or coffee or inuman ayus na yun. solb na tayo dun db?! lagi naman eh.

9. mapapadalas ba ang blog entries ko

sad to say baka hindi. pero syempre i’ll try my best to post at least twice a month kaya pagtyagaan nyo na muna ‘to k?

10. manonood ba ako ng harrypotter and the goblet of fire

kelangan pa bang imemorize yan?!?!?!?!? syempre nmn!

*for other questions, post lang kayo ng comment and i’ll get back to you as soon as i can. :-)